Hello Shai,
Kung ano-ano naiisip ko ano HAHAHAHAH. Yan talaga yung purpose nito. Ime-message sana kita, pero parang wala na akong lakas ng loob. That's why I decided na ganito na lang, at least you have free will kung io-open mo siya or hindi.
Anyway, yung purpose talaga nito ay yung pagiging papansin ko. While working, akala ko okay na ako. Akala ko naka-move na ako sayo, busy lang pala at walang time na mamiss ka. Ngayong hindi na busy, wala na naman akong ginawa kung hindi mang-stalk 🚗. Parang nag-i-IG na lang ako para makakuha ng update sayo. Siguro sobrang obvious, sana hindi ka naiinis HAHAHAHHA.
Before, sabi ko hindi ko need na i-unfollow ka, pero this past few weeks, feeling ko kailangan ko talaga. Ayoko sana, pero parang hindi talaga ako nakaka-move. Minsan feel ko wala na, pero mag-post ka lang, napapa “I'm still into you” ulit ako eh 🌻.
Tapos yung mga repost mo pa, parang anytime may story ka na. Baka hindi ko kaya, for my own sanity na lang talaga. Hindi na baleng ikwento na lang sakin ni Ley kaysa makita ko, “WAAHHHHHHHHH” 😭 🌊.
Ayun lang, gusto ko lang na malaman mo yung reason kung bakit kita i-a-unfollow. Ayoko namang isipin mo na porke wala na, ini-unfollow na kita. To be honest, kung bibigyan ako ng chance, I will still take it despite everything. Gusto ko pa nga i-try nang i-try nang i-try ganung level, but hesitant na ako kasi nirerespeto ko din naman yung mga sinabi mo. Alam ko na hindi din madali to say no, kaya ayoko na ding ulit-ulitin mo.
A Final Note
Tanggap ko na you are too much for me, but I still like you, and I really mean it. Pag fully healed na ako, ipa-follow kita ulit, and I hope we can still be friends when that time comes.
You are indeed a good dream! ☺♥️
Thank you, and I wish you all the best! 🌻💙
Message in a Bottle
You are indeed a good dream! ☺️
Thank you, and I wish you all the best! 🌻💙